LUMABAG? | Revocation sa amnestiya ni Sen. Trillanes, walang sapat na basehan, Pangulong Duterte, lumalabag sa batas

Manila, Philippines – Nilalabag umano ni Pangulong Duterte ang batas para sa pagbibigay ng amnestiya.

Paliwanag ni Albay Rep. Edcel Lagman, ang pag-grant ng amnesty ay hindi lamang desisyon ng Pangulo kundi ito ay desisyon na napagkasunduan kasama ang Kongreso dahilan kaya hindi ito maaaring bawiin basta ng Presidente.

Maliban dito, malinaw din na pagsuway sa Saligang Batas ang ginawang pagrevoke ng Pangulo sa amnestiya kay Senator Antonio Trillanes IV.


Paliwanag ni Lagman, ang amnestiya ay ibinibigay sa “class” o grupo na kinabilangan ni Trillanes nang mag-aklas ang mga ito noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo at hindi lamang ito ibinigay ng solo sa Senador.

Dahil dito, walang ligal at sapat na basehan si Pangulong Duterte para bawiin ang amnesty ni Trillanes.

Maliban dito, malabong igawad ng pamahalaan ang amnestiya kung hindi sumunod ang grupo noon ni Trillanes sa hinihinging requirements.

Facebook Comments