MANILA – Umakyat na sa 1, 561 ang bilang ng mga lumabag sa COMELEC Gun Ban simula nang mag-umpisa ang Election Period noong January 10.Batay sa record na inilabas ng Philippine National Police (PNP) – nasa 1, 501 ng kabuuang bilang ng mga naaresto ay sibilyan habang 15 ay mga opisyal ng gobyerno.Samantala, 11 sa mga naaresto ay pulis, anim na sundalo, 20 security guards, isang bumbero, dalawang miyembro ng citizen armed force geographical units at lima mula sa mga law enforcement agencies.Umabot naman sa 1, 173 mga baril at 14, 818 deadly weapons ang nakumpiska ng pulisya sa isinagawa nilang checkpoints.Kaugnay nito, tiniyak ng PNP na mas lalo pa nilang palalakasin ang kanilang mga checkpoints at mas pag-iigtingin ang kampanya kontra loose firearms habang papalapit ang halalan.Muli ring nagpaalala ang PNP sa publiko hinggil sa pagdadala ng mga gun replica sa kabila ng umiiral na gun ban.Ayon kay pnp Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor – mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagdadala ng replica kasama na ang mga ginagamit sa airsoft dahil maaari umano itong magdulot ng gulo at posible ring gamitin sa krimen.Nabatid na nasa 50 gun replica na ang nakumpiska ng pulisya mula sa iba’t ibang panig ng bansa simula nang ipatupad ang gun ban noong Enero 8.
Lumabag Sa Gun Ban – Pumalo Na Sa Mahigit Isang Libo Limang Daan
Facebook Comments