Lumabag sa health protocols kaugnay sa umiiral na Alert Level 2 sa NCR, umabot na sa halos 30,000

Umabot na sa 28,348 ang mga lumabag sa tatlong araw na pagpapatupad ng Alert Level 2 sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) Command Center, 9,261 ang naitalang new violators habang 9,449 ang daily average ng violators sa NCR.

Sa bilang ng mga lumabag sa alert level system, 64 percent ang nasita, 33 percent ang pinagmulta at 2 percent ang pinatawan ng iba pang parusa.


Kabuuang 25,761 ang mga hindi sumunod sa minimum public health standards.

Habang 2,587 ang mga lumabag sa curfew.

Ipapatupad ang Alert Level 2 sa NCR hanggang November 21.

Facebook Comments