Umakyat na sa 428,511 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa health protocols sa National Capital Region (NCR) Plus kung saan ipinatutupad ngayon ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Batay sa ipinadalang datos ng PNP, simula Agosto 21 hanggang Setyembre 2 nang maitala ang bilang na ito ng mga health protocols violators.
Mula sa bilang ng mga violator, 465,737 dito ay binigyan lang ng warning, 74,879 ay pinagmulta.
Pero kung susumahin ang lahat ng mga health protocols sa buong bansa aabot ito sa 623,130 violators.
Habang ang mga lumabag naman sa curfew hours nationwide ay aabot na sa 138,426.
Mahigit 89,371 sa mga ito ay pinagsabihan muna habang 37, 009 ay pinagmulta.
Matatandaang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar na paulit-ulit na lang ang paalala ng PNP sa publiko na sumunod sa quarantine protocols para na rin sa kanilang sariling kaligtasan, ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang pasaway.