LUMABAG SA ORDINANSA | Mahigit 30 katao, pinagdadampot sa Marikina

Marikina City – Pumalo na sa 32 katao ang inaresto ng Marikina City Police Station sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO sa pangunguna ni Police Chief Inspector Armando Buban sa 8bat ibang lugar sa Marikina City.

Ayon kay Police Senior Supt. Roger Quesada , Chief of Police ng Marikina , inanyayahan nila ang 32 katao dahil sa mga paglabag sa City Ordinances na mahigpit na ipinatutupad ng Marikina City Police Station para maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt o OVR.

Paliwanag ni Quesqada hindi nila pinaliligtas kahit maliliit na kaso lamang upang matuto ang mga Marikenyo na sumunod sa ipinatutupad at ipinaiiral na Ordinansa sa Lungsod.


Giit ng opisyal mahalaga na maging masunurin ang mga residente ng Marikina sa mga Ordinansa dahil kilala ang Lungsod na disiplinado ang mga tao dahil maging sa mga simpleng Ordinansa ay sinusunod tulad ng bawal tumawid sa hindi tamang tawiran,bawal magkalat at iba pa.

Facebook Comments