Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Office of the Ombudsman si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairperson Wilma Eisma.
Sa reklamo na inihain ng abogadong si Raymund Palad, bigo umano si Eisma na alisin ang share niya sa Teco Philippines – isang electric motor manufacturer.
Nag-o-operate din ito ng mga pasilidad sa subic bay gateway park sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.
Batay pa sa reklamo, bumili pa ng mas maraming share sa naturang kompanya si eisma at katunayan, nahalal pa bilang miyembro ng Board of Directors nito habang naglilingkod bilang Chairperson at Administrator ng SBMA.
Kasabay nito, nanawagan si Palad na i-review ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Eisma.
Wala pang pahayag ukol dito ang SBMA Chairperson.