LUMABAN | 2 drug suspek, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

Pasig – Nasawi ang dalawang drug suspects’ makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Pasig City police sa West Bank Rd. Brgy. Manggaahan Pasig City.

Sa paunang impormasyon na nakuha kay Police S/Supt. Orlando Yebra ang hepe ng Pasig City police, nagsagawa ng buy bust operarion ang mga tauhan ng kanilang drug enforcement unit sa West Bank Rd. Brgy. Manggahan.

Isang Kimron Fontejon alyas Kim at isang hindi pa kilalang lalaki na kasama nito na sakay ng isang motorsiklo ang katransaksiyon ng mga operatiba sa lugar.


Nang matunugan na pulis ang kanilang ka-transaksyon pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba na naging sanhi ng kamatayan ng 2 suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments