LUMABAN | Dalawang hinihinalang pusher, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

Manila, Philippines – Patay na ng idating sa Gat Andres Memorial Medical Center ang dalawang hinihinalang tulak sa ilegal na droga matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa San Miguel Road Binondo Manila.

Nakilala lamang ang mga napatay na sina alyas Darwin 21 hanggang 25 anyos, 5″3 hanggang 5″5 ang taas at kayumanggi at alyas Oscar 52 hanggang 55 anyos may taas na 5″4 hanggang 5″6 at kayumanggi.

Ayon kay PO3 Carlito Borci ng Station 11 ng MPD nagpanggap na bibili ng shabu si PO1 Allan Hilario sa mga suspek sa halagang limang daang pisong shabu at nang iaabot na ng pulis ang mark money nakatunog ang mga suspek na pulis pala ang kanilang ka transaksyon kaya at bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis kaya at gumanti rin ng putok ang mga operatiba ng MPD na nagresulta ng kamatayan ng mga hinihinalaang pusher.


Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre 38 baril at dalawang 500 pesos na mark money sa pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments