Lumad school sa loob ng UP, magbubukas na ng klase

Bubuksan ngayong umaga ang klase sa isang Lumad Bakwit School na nasa loob ng UP – Diliman  sa Quezon City.

Pangungunahan ng Save Our Schools o SOS Network at University of the Philippines Community ang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Karamihan sa mga mag-aaral ay mula sa 54 na Salugpongan Schools sa Southern Mindanao na ipinasara ng DepEd.


Una nang ipinasara pansamantala ng DepEd ang Lumad Schools alinsunod sa ulat na ginagamit ito ng komunistang grupo para turuan ang mga  estudyante na mag-alsa laban sa gobyerno.

Facebook Comments