Manila, Philippines – Inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na 96% na rice sufficient ang bansa.
Batay sa datos ng Philippines Statistics Authority, lumago ng 9.36% ang aning palay sa first quarter ng 2018 na katumbas ng 19.28 million metric tons.
Ito ang pinakamataas na produksyon ng palay magmula noong 1999 na bunga ng paggamit ng nga high yielding variety seeds, sapat na water supply at magandang kondisyon ng panahon.
May 2.3 million metric tons din na buffer stock na sapat para pakainin ang buong bansa sa loob ng 92 na araw.
Ayon sa kalihim, dahil sa mga patong ng mga middleman at traders ang presyuhan ng bigas kaya lamang nagmamahal ang pagkaing butil kapag nakaabot na sa mga consumers o mamimili.
Dahil dito, mas palalakasin nila ang adbokasya nila na makapagkalat ng bigas ng masa sa buong bansa.