Lumahok sa face-to-face assessment ng TESDA sa NCR, umabot ng 29 ayon kay Secretary Lapeña

Kinumpira ni Secretary Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mayroong 29 na mga graduate ng vocational school ng National Capital Region o NCR ang kumuha ng face-to-face assessment na ginawa kahapon.

Mula sa nasabing bilang, siyam sa kanila na graduates ng Domestic Work ay kumuha ng assessment sa TESDA Women’s Center habang ang 20 ay sa Southern Institute of Maritime Studies.

Ayon kay Lapeña, personla niyang binisita ang dalawang testing center ng ahensya habang ginagawa ang assessment upang matiyak na nasusunod ang health protocols laban sa COVID-19.


Dagdag pa nito, aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nasabing assessment.

Ito ang kauna-uhanag face-to-face assessment ng TESDA simula ng ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila.

Facebook Comments