Lumalalang brownouts sa Iloilo , iprinotesta ng mga konsumedor

 

Hindi napigilan ang grupo ng mga residente ng Iloilo City na ibulalas ang kanilang pagkadismaya sa umano’y lulalamang serbisyo ng elektrisidad mula nang itake-over ng MORE ang power distribution sa kanilang lungsod apat na buwan na ang nakalilipas.

Magpapasaklolo sana sa Supreme Court ang mga miyembro ng Ilonggo Consumers Movement o ICM para aksiyunan ang anila’y “abuse of power” ng MORE na pumipinsala sa karapatan nila magkaroon ng maayos na serbisyo ng Kuryente, bukod pa sa negatibong epekto nito sa ekonomiya ng Iloilo.

“This is no longer an issue that MORE is Capable of or interested in solving. The government must step in, otherwise, MORE will continue to abuse their power by depriving us of ours” wika ni William Espinosa, Founder ng ICM.


Sa halip na magdaos ng rally sa harap ng Korte Suprema ay nagpaunlak na lamang ng panayam sa pamamagitan ng press conference ang Ilonggo consumers movement(ICM) dahil sa sangkaterbang pulis na ideneploy sa bisinidad ng Supreme Court sa Padre Faura St., sa Maynila. Pinagbantaan kasi sila na aarestuhin kapag itinuloy ang kilos-protesta.

Saad ng grupo, dapat panatilihin ng Korte Suprema ang desisyon na nagsasabing iligal ang pag-take-over ng MORE sa distribution ulility.

Ayon sa co-founder ng ICM na si Eduardo Cruz, pahirap sa mamamayan ng Iloilo ang 13 oras na brownouts halos araw-araw.

Hihilingin din umano nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na manghimasok na sa isyu para rendahan ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno katulad ng Department of energy at Energy regulatory commission na resolbahin ng patas ang lumalalang serbisyo ng elektrisidad sa Iloilo.

“If they will not listen to us, then we will appeal directly to the President, to Congress and to the Supreme Court so that they may intervene and save us from this disaster,” Saad ni Espinosa.

Facebook Comments