LUMANG PERA | Palitan, pwede pa hanggang Enero 3

Manila, Philippines – Papalitan pa rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lumang banknotes para sa New Generation Currency (NGC) sa Enero 3.

Pero ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay kung may hawak na resibo ang magpapapalit na patunay na nagtungo na sila sa BSP bago o sa mismong araw ng deadline na Disyembre 29.

Ayon kay Carlyn Pangilinan, managing director ng BSP Currency Management Sub Sector, maraming sa mga nais magpapalit ang hindi nila napagbigyan dahil sa pagdagsa ng mga tao sa kanilang tanggapan.


Nandigan naman ang BSP na hindi na nila palalawigin pa ang Disyembre 29 na deadline para makapagpapalit ng lumang bank notes.

Facebook Comments