BIHAG | 4 na magsasaka, nakatakas matapos dukutin ng BIFF

Maguindanao – Apat na magsasaka sa bayan ng Datu Hofer sa Maguindanao ang nakatakas matapos na dukutin habang dalawa sa kasamahan ng mga ito ay hawak pa din ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Kinilala ang mga nakatakas na bihag na sina Kannie Minggil, Mael Minggil, Elvin Minggil, at Uzik Labina, habang kasalukuyan pa ring hawak ng BIFF sina Kew at Kong Mintos.

Papunta sana ang anim sa kanilang mga sakahan sa barangay Limpongo nang harangin at dukutin ng BIFF.


Habang natutulog naman ang mga miyembro ng BIFF ay nagawang makatakas ng apat kung saan inalaam na ng pulisya kung mga bangkay ba ng mga natitirang magsasaka ang natagpuan sa barangay Kabintong.

Facebook Comments