Cauayan City, Isabela-Inilunsad ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO)ang ‘Uniporme ng PRO-COR, Face mask Mo’ na layong ipamahagi sa mga frontliners at sibilyan na walang sariling facemask o kakayahang makabili nito.
Ayon kay PLT/Col. Lino Dalisay, tagapagsalita ng KPPO, magsisilbing lumang mga uniporme ng kapulisan ang gagawing facemask na mapapakinabangan pa ng publiko sa probinsya.
Aniya, nakipagtulungan na rin ang kanilang hanay sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA) na siyang magsasanay sa mga police personnel kung paano makakagawa ng reusable facemask mula sa lumang uniporme.
Giit pa ni Dalisay, libre na ipapamigay ang mga ito sa tao dahil may kamahalan rin ang pagbili nito sa mga tindahan.
Target na makagawa ng libu-libong facemask ang pulisya bilang paghahanda ng new normal habang para maiwasan ang pangamba ng publiko sa posibleng pagkalat ng sakit.
Ibabahagi din ng TESDA Personnel ang kanilang mga lumang damit na siyang makakadagdag sa paggawa ng nasabing facemask.