Sulu – Apat na ang lumantad na itinuturong persons of interest sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu para linisin ang kanilang pangalan.
Ito ay matapos na lumabas ang kanilang mga mukha sa na CCTV footage na ngayon ay napapanood sa telebisyon at nakakalat sa social media.
Ayon kay PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt. Graciano Mijares, humarap mismo ang mga ito sa Sulu Provincial Police Office.
Ang unang dalawang pumunta ay isang guro na kinilalang si Alshaber Arbi at isang estudyante na si Gerry Isnajil.
Paliwanag ng dalawa nagmemeryenda lamang sila sa isang tindahan malapit sa isang bangko ng maganap ang pagsabog.
Sa ngayon, inalis na sila ng PNP bilang persons of interest sa nangyaring pagsabog.
Kaninang alas-3:00 ng hapon naman lumantad rin ang dalawa pang persons of interest bitbit ang kanilang mga damit na suot na makikita CCTV footage.
Kinilala ang mga ito na Alsimar Mohammad Albi, 24 anyos residente ng Purok 6, Brgy. Bus-Bus, Jolo, Sulu na syang nakasuot ng siyang nakasuot ng itim na shirt sa CCTV footage.
At Julius Abdulzam Albi, 17, anyos residente ng Zone-3, Brgy. Takut-Takut, Jolo, Sulu na nakasuot ng kulay asul na polo shirt sa CCTV footage
Sa panayam sa dalawa sinabi ng mga ito na bumibili lamang sila ng gamot sa isang pharmacy sa lugar para sa ina ni Alsimar na naka-confined sa Sulu Hospital.
Pero bigla silang nakarinig ng malakas ng pagsabog mula sa simbahan kaya agad na lumabas ng pharmacy si Julius para tingnan ang pagsabog ngunit agad syang tinawag ni Alsimar na lumayo sa kinaroroonan nito matapos nitong makita ang mga suspek na nasa kanyang likuran lamang na papatakas na sa lugar.
Patuloy sila ngayon kinakausap ng mga miyembro ng Joint Inter agency Task force na binubuo ng PNP, AFP at NBI.