LUMIKAS | MGA RESIDENTE MALAPIT SA MARIKINA RIVER NASA EVACUATION CENTERS NA

Kahit na bumaba sa alert level 1 o 15.9 meters ang lebel ng tubig sa Marikina river, mahigit sa dalawang libong indibidwal pa rin ang nananatili sa ibat ibang evacuation centers sa lungsod na boluntaryong lumikas sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa datos ng Marikina 161 Rescue team, pitong evacuation centers ang kasalukuyang tinutuluyan ng nasa mahigit apat na raang pamilya.
Ito ay ang sumusunod:
– Malanday Covered Court: 126 families and 701 individuals.
– Malanday Elem. School: 149 families and 741 individuals.
– Sta Elena Elem. School: 25 families and 105 Individuals.
– Tanong High School: 19 families and 89 individuals
– Nangka Elem. School: 9 families and 26 individuals
– CIS Covered Court: 19 families and 101 Individuals.
– H. Bautista: 80 families – 391 individuals.
Total Families 427; Individuals 2,154
Sa ngayon nananatiling nasa 15.9M ang lebel ng tubig o isang guhit bago ang 16M na ikinukunsiderang nasa 2nd alarm

Kapag umangat pa ang tubig sa ilog tutunog ang sirena na hudyat para lumikas pa ang ilang residente na nakatira sa mabababang lugar.

Facebook Comments