Lumikha ng kantang ‘My Father is a Policeman’, Viral online

Cauayan City, Isabela- Humahakot ngayon ng samu’t saring komento at reaksyon ang ginawang kanta ng sikat na bokalista o tandem na ‘Four Decade Duo’ (FDD) makaraang magviral ang naging tugon ng napatay na si Ginang Sonya sa anak ng pulis na si PMSGT. Jonel Nuezca, suspek sa nangyaring pamamaril sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Pinamagatan ang kantang ‘My Father is a Policeman’ na kalat na ngayon sa social media pagkaraan ng insidente ng pagpatay.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Jun Seriales, singer at maylikha ng kanta, kaliwa’t kanan ang nananaig sa publiko sa kanyang nababasa sa iba’t ibang media platforms kung kaya’t naisipan nilang gumawa ng kanta na kapupulutan din ng aral ng iba.


Aniya, hindi kailangan hamunin ng isang tao ang pagmamahal ng isang ina dahil batid nito na gagawin ng kahit sinumang ina na pangalagaan ang kanyang anak kapalit pa ang buhay.

Una nang na-bash si Seriales sa kanilang ginawang kanta subalit paglilinaw nito na hindi masama ang kanilang intensyon sa paglikha ng kanta.

Sa ngayon, tanging paalala lang nito sa publiko na intindihing mabuti ang lyrics ng kanta para higit na maunawaan ang nais ipabatid nito sa lahat.

Para sa mga nais makita ang kanta, i-click ang link https://www.youtube.com/watch?v=RHCkEpqm4I0&fbclid=IwAR1QATP8F49ysgtzicm797TXxuhOjxOJaF5Mo-f4eD8h9qYr5FaqE-yI6q0

Facebook Comments