Manila, Philippines – Lumipat na ang ilang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russian social media platform na ‘VK’.
Ito ay bilang tugon sa pagsasagawa ng fact-checking ng facebook sa Pilipinas.
Ang VK ay isang social networking service para sa mga Russian speaking users.
Ayon kay Paula Defensor-Knack, kapatid ng namayapang si dating Senadora Miriam Defensor-Santiago, hinihimok nito ang mga kapwa Duterte supporters na gumawa na ng account sa VK.
Pero paalala din nito sa mga tagasuporta ng Pangulo na huwag tanggalin ang kanilang facebook accounts.
Facebook Comments