LUMOBO | Drug users sa Pinas, umabot na sa apat na milyon

Manila, Philippines – Sa pagpapatuloy ng oral arguments sa Korte Suprema sa petisyon kontra sa war on drugs, kinumpirma ni Solicitor General Jose Calida na umaabot na sa apat na milyon ang drug users sa Pilipinas.

Ayon kay Calida, karaniwang nangunguna sa drug trade sa Pilipinas ang mga Chinese mula sa Mainland China at ang mga Filipino-Chinese.

Sa pagtatanong ni Associate Justice Antonio Carpio, kinumpirma rin ni Calida na umaabot na sa 419 na mga Chinese ang naaresto dahil sa drug operations.


Kinumpirma rin ni Solgen Calida na umaabot na sa 3,800 ang napatay sa war on drugs simula noong July 1, 2016.

Nabigo namang dumalo sa ikatlong oral arguments sina PNP Chief Ronald Dela Rosa at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na kapwa dumadalo sa Anti-Terrorism Conference sa New York.

Hindi rin nakarating si Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Alfegar Triambulo dahil siya ay dumadalo sa Command Conference sa Malacanang.

Facebook Comments