NBA | Warriors, bumangon sa 20 points na hukay para talunin ang Pelicans

NBA – Kahit nawala sa court ang dalawa nitong mga star player, nagawa pang makabalik mula sa 20-point deficit ang defending champion Golden State Warriors para talunin ang New Orleans Pelicans, 125-115 sa NBA.
Na-eject si Kevin Durant samantalang may tinamong ankle injury si Stephen Curry, ngunit hindi ito nakaapekto sa laro ng Warriors para masungkit nila ang kanilang ika-labing siyam na panalo sa dalawampu’t limang laro.
Negative naman sa pilay o bali ng buto ang x-ray examination sa ankle ni Curry na umiskor ng team high 31 points para sa Warriors.

Facebook Comments