LUMOBO | Mga nagsisiuwian sa iba’t ibang mga lalawigan umakyat na sa mahigit 40 libo – PCG

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na pumalo na sa mahigit 40 libong mga pasahero ang nagsisipag uwian sa iba’t ibang probinsya upang gunitain ang Semana Santa.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ikinasa na nila ang Oplan Biyaheng Ayos: #SemanaSanta2018 kung saan mahigpit ang pagsasagawa ng pag-iinspeksyon ng PCG upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Paliwanag ni Balilo, umaabot na sa 42,408 mga pasahero mula sa National Capital Region, Central-Luzon, Palawan, Southern Tagalog ,Western Visayas, Central Visayas, Southeastern Mindanao ,Northern Mindanao, Eastern Visayas, at Southern Visayas ang mga pasaherong nagsisipag-uwian at ang pinakamarami ay sa Central Visayas na umaabot sa 12,906 na mga pasahero sinundan ng Southern Tagalog na umaabot sa 10,543 na mga pasahero ang nagsisipag-uwian at ang pinakamababang bilang na nagsisipag-uwian ay sa Southeastern Mindanao na pumalo lamang sa 1,225 na mga pasahero.


Umapela si Balilo sa publiko na maging mapagmatyag at isumbong agad sa kanila kapag mayroon silang napapansin na may kahina-hinalang bagay o tao sa kanilang mga pantalan.

Facebook Comments