Lumobong budget ng DPWH, sisilipin ng Malacañang

Bubusisiin ng Malacañang ang lumobong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ₱290 billion budget para sa 2025.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., marami kasing malalaking proyekto ang nakalinya sa DPWH tulad na lamang ng flood control projects na isang napakahalagang proyekto.

Kailangan na aniya talagang magpatayo ang ahensya ng malalaking proyekto para matugunan ang lumalalang epekto ng climate change.

Dapat din itong agad na matapos at maitayo ang mga kailangang istruktura at maihanda ang maraming lugar sa bansa.

Sabi naman ng pangulo, pinaplantsa pa nilang mabuti ang budget para rito.

Nanindigan din ito na nasa tamang direksyon ang pagkilos ng pamahalaan at paglaaan ng budget sa mga departamento.

Facebook Comments