LUMUBO | Kaso ng dengue sa bansa ngayong taon, tumaas pa

Manila, Philippines – Lumubo pa ang mga naitalang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 62,632 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Mas mataas aniya ito ng dalawang porsyento kumpara sa naitalang mahigit 61,000 noong 2017.


Sani ni Duque, bagaman hindi pa niya hawak ang eksaktong bilang sa Ilocos Norte ang may pinakamataas na kaso ng dengue.

May posibilidad rin aniyang magdeklara ng state of calamity ang mga lugar na may mataas na kaso ng dengue.

Gayunman, tiniyak ni Duque na kumikilos na ang mga lokal na pamahalaan para malutas ang dengue outbreak sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments