Sinusubukang solusyonan ng Rural Health Unit III ang lumulubong kaso ng teenage pregnancy at suicide sa bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng paglulunsad sa “Antay Kiss Campaign”.
Inumpisahan ang paglunsad nito sa isang high school sa naturang bayan kung saan nagkaroon ng IEC ang RHU 3.
Naka focus rito ang tungkol sa teenage pregnancy, STI/HIV, COVID-19, at mental health kung saan nagkaroon rin ng intervention program at counseling sessions na siyang nakatulong sa mga kabataan na nangangailangan ng tulong.
Isa sa mga dahilan na naibahagi ng mga estudyante na kanilang nagiging problema ay tungkol sa pamilya, at mataas na expectations ng mga magulang sa grades nila.
Ayon sa RHU, dapat na maramdaman ng mga kabataan na hindi sila nag-iisa sa lahat ng kanilang pinagdadaanang problema.
Tinuruan ang mga nasa Grade 9 hanggang Grade 12 students, 712 pang mga estudyante at 245 sa mga ito ang nabigyan ng counseling. |ifmnews
Facebook Comments