LUMUTANG | Xander Ford, hindi nawawala

Manila, Philippines – Sinagot na ng social media sensation na si Xander Ford ang bali-balitang siya ay nawawala.

Sa lumutang na bagong video ni Xander sa facebook itinanggi nito na siya ay nawawala pero aniya, ayaw niya munang sabihin kung nasaan siya dahil gusto niyang magkaroon ng kaunting katahimikan at mamahinga.

Iginiit din ng internet superstar na hindi siya robot kaya naman pinili niya munang pansamantalang tumigil sa pagtatrabaho ng ilang buwan.


Hindi rin daw muna siya magiging aktibo sa social media ngayon dahil wala raw siyang cellphone.

Matatandaan na nagbabala ang talent agency ni Xander na kakasuhan nila ang isang tao na nagngangalang ‘Emz’ dahil sa umano’y pagtatago nito sa binatilyo mula sa kanila at sa kanyang pamilya.

Facebook Comments