NBA | Cavaliers wagi kontra Hornets

Umiskor si Lebron James ng 27 points para padapain ng Cleveland Cavaliers ang Charlotte Hornets sa iskor na 100-99.

Dahil dito, nasungkit ng Cavaliers ang ika-pito nilang magkakasunod na panalo sa nba.

Si Hornets Star Dwight Howard naman ay nagtala ng 20 points at 13 rebounds para sa Hornets.


Samantala, tinalo ng Miami Heat sa Minnesota Timberwolves, 109-97; wagi rin ang Detroit Pistons kontra Oklahoma City Thunder, 99-98 at Indiana Pacers laban sa Toronto Raptors sa iskor na 107-104.

Facebook Comments