Lung Center of the Philippines, halos full capacity na rin sa COVID-19 patient

Halos puno na rin ng mga pasyenteng may COVID-19 ang Lung Center of the Philippines (LCP).

Ayon kay Dr. Norberto Francisco tagapagsalita ng LCP, lagpas na sa 100 ang kabuuang bilang ng COVID-19 patients na inaasikaso ng pagamutan.

Base sa anunsyo ng LCP, umabot sa 200 konsultasyon ng COVID-19 related cases ang naitala ng pagamutan noong Lunes lamang.


Bukod pa ito sa 214 na konsultasyon sa emergency room na 182 sa kabuuang bilang ay COVID-19 related cases din.

Sa ngayon, nasa 96% capacity ang Intensive Care Unit (ICU), habang nasa 100% capacity na ang isolation rooms.

Sabi pa ni Dr. Francisco, ang total bed capacity ng nasabing ospital ay 250 ngunit hindi lahat ng kwarto ay maaaring paglagyan ng maraming kama kundi paisa-isa lang kaya’t hanggang 169 lang ang operational bed capacity.

Facebook Comments