Lung Center of the Philippines, nangangailangan ng 200 nurse

Nangangailangan ngayon ang Lung Center of the Philippines ng nasa 200 nurses kasabay ng pagbubukas ng karagdagang kama para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Lung Center of the Philippines spokesperson Norbert Francisco, 97% nang okupado ang kanilang intensive care unit (ICU) beds.

Mula sa 182 kama ng ospital, 152 rito ang nakalaan sa mga COVID-19 patients.


Aminado naman si Francisco na napapagod na ang kanilang mga medical staff.

Katunayan, 48 rin sa mga tauhan ng ospital ang positibo ngayon sa virus at dalawa sa kanila ang naka-confine.

Facebook Comments