Lung Center of the Philippines, nangangailangan ng karagdagang mga doktor at nurse para makatugon sa paglaban sa COVID-19

Nangangalap ng karagdagang mga doktor, nurse at iba pang medical staff ang Lung Center of the Philippines upang higit pang makatugon sa hamon ng pandemya.

Sa kanilang inilabas na abiso, handa nang tumanggap ang pagamutan ng mga aplikante bilang manpower kontra COVID-19.

Bukod sa mga doktor at nurses, kailangan pa nila ng karagdagang Medical Technologies, Nursing Attendants, Hemodialysis Nurses, Hemodialysis Technicians, Ward Clerks at Respiratory Therapists.


Sinumang interesado at makakuha pa ng ibang detalye ay makipag-ugnayan lamang sa HRMD ng hospital sa telepono bilang 89246101 local 4025,4026,4027.

Maaari ring tumawag sa mga celphone numbers 0917 8380708, 09178379602 o ipadala ang resume sa hrddlcp@gmail.com at records@lcp.gov.ph.

Ang Lung Center of the Philippines ay kabilang din sa mga hospital sa Quezon City na tumatanggap ng mga pasyenteng may sintomas at positive cases ng COVID-19.

Facebook Comments