Mahigit P146-K halaga ng umano’y shabu nasamsam sa Marikina City

32

Timbog ang dalawang tulak umano ng iligal na droga matapos isagawa ang buy-bust operation sa Marikina City.


Nakilala ang mga suspek na sina Friledo Pollero Parta, 22-anyos at Grace Reyes Castro, 40-anyos habang nakatakas naman si Dante Gonzaga Empleo.

Nakuha mula sa mga suspek ang 22 gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P146,600.

Batay sa ulat ng Marikina Philippine National Police (PNP), ginawa ang nasabing operasyon matapos mabilhan ang mga suspek ng iligal na droga pasado alas-4:30 kahapon ng hapon sa may kahabaan ng Iwahig Doña Petra, Brgy. Tumana, Marikina City.

Sa ngayon, inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga suspek sa paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments