Lungsod ng Cauayan, Handa na sa Pagpapatupad ng GCQ!

Cauayan City, Isabela- Handa na ang Lungsod ng Cauayan sa transition para sa General Community Quarantine na magsisimula bukas, Mayo 1 hanggang Mayo 15.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, hinihintay lamang ngayong araw ang ilalabas na guidelines ng IATF para sa ‘new normal’ o sa mga lugar na itinalaga sa general community quarantine.

Iginiit ng alkalde na sa ilalim ng GCQ ay hihigpitan pa rin ang pagpapatupad ng social distancing at iba pang health protocols laban sa pagkalat ng COVID-19.


Maaari aniya ang pagsasagawa ng seremonya ng kasal subalit sampung (10) tao lamang ang pinapayagan para sa pagtitipon.

Hindi rin aniya permanent ang pagsasailalim sa GCQ dahil anumang araw ay maaaring magbago o babalik sa ECQ dahil nakadipende pa rin sa magiging status ng lugar sa kaso ng COVID-19.

Inamin naman ni Mayor Dy na mayroon na lamang panghuling wave ng relief goods na ipapamigay sa Lungsod habang naka-GCQ.

Facebook Comments