Lungsod ng Cauayan, Mapayapang Ipinagdiwang ang Kapaskuhan!

Cauayan City – Naging mapayapang ipinagdiwang ng mga Cauayeños ang kapaskuhan matapos ang ilan lamang na naitalang insidente sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector, Esem Galiza, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan City ay sinabi niya na pawang away ng magkaibigan at magkarelasyon ang kanilang nirespondehan dahil sa nasobrahan ang kanilang pag -inom sa mga kabi-kabilang mga reunion at mga christmas party at ang naganap na snatching ngunit kaagad ding nahuli ang suspek.

Dagdag pa ni PSI Galiza na naging abala rin ang PNP Cauayan sa paghandog ng sorpresa sa mga bata na bihirang makatanggap ng aginaldo.
Aniya, simpleng tulong lamang ang makapaghatid ng kasiyahan sa mga mukha ng mga bata kung saan ay may mahigit isang daan na bata ang kanilang napasaya.


Paliwanag pa ng opisyal na nagsimula pa noong 2015 ang ganitong aktibidad ng mga otoridad at ang ginamit na pera na pinambili sa mga aginaldo ay ambag ng mga pulis na naka-duty nitong nakalipas na pasko.

Samantala, nanawagan ang pamunuan ng PNP Cauayan na mag-ingat at huwag nang gumamit ng anumang paputok upang maging ligtas sa pagsalubong ng bagong taon. Patuloy din ang PNP Cauayan sa inspeksyon ng mga nagtitinda ng mga ipinagbabawal na paputoksa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments