Pacquiao, dumating na sa L.A. para sa laban kontra Spence sa Agosto

Nasa Los Angeles na ang Team Pacquiao para sa nakatakdang laban nito kay WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr., na gaganapin sa Las Vegas sa August 21.

Kahapon pa sana ang arrival ni Manny Pacquiao sa L.A. pero napilitang bumalik sa Pilipinas ang sinasakyan niyang eroplano dahil sa medical emergency ng kapwa niya pasahero.

Ayon naman kay coach Buboy Fernandez, napili nilang lumipad nang mas maaga sa L.A. para doon mag-ensayo dahil na rin sa maluwag na COVID-19 restrictions sa Amerika.


Samantala, sasabak bilang undercard sa Pacquiao-Spence bout ang Filipino boxer na si Mark Magsayo kontra Julio Ceja ng Mexico.

Facebook Comments