Lungsod ng Cauayan, Pinaghahandaan na ang CAVRAA 2020!

75

Cauayan City, Isabela – Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panglungsod ng Cauayan ang pagiging punong abala sa gaganaping Cagayan Valley Regional Athletic Association 2020 (CAVRAA).

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Cauayan City Mayor Bernard Dy sa eksklusibong panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.


Aniya, inihahanda na ang mga pasilidad na pwedeng gamitin ng mga atleta sa kanilang pagsasanay.

Ayon pa kay Mayor Dy, target na matapos ang Cauayan City Sports Complex sa buwan ng Disyembre taong kasalukuyan.

Kaugnay nito, magkakaroon ng Regional Office ang tanggapan ng Philippine Sports Commission sa lungsod ng Cauayan na itatayo sa loob mismo ng Sports Complex.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng lungsod ang gaganaping Chess Tournament sa Abril 27, 2019 sa SM City of Cauayan.

Inaasahan na dadaluhan ito ng isang daang Chess Players na may dalawang kategorya.

Layong linangin ang mga kaalaman ng mga manlalaro at para makahikayat na rin ng iba pang manlalaro.

Facebook Comments

From Advertisers