LUNGSOD NG DAGUPAN, KABILANG SA 149 LUGAR PARA SA NATIONWIDE CLASSROOM BUILDING PROGRAM

Kabilang ang Dagupan City sa 149 na mga lugar sa bansa na lumagda sa kasunduan para sa Nationwide Classroom Building Program na ginanap sa Malacañang Palace.

Isinagawa ang ceremonial signing bilang bahagi ng direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr. upang tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa ilalim ng programa, nakipag-partner ang Department of Education sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pagtatayo ng mga ligtas at maayos na learning spaces para sa mga mag-aaral.

Dumalo rin sa seremonya si Education Secretary Sonny Angara kasama ang iba pang opisyal ng Malacañang.

Ayon naman sa pahayag ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, layunin ng programa na hindi lamang magpatayo ng karagdagang gusali kundi mabawasan ang classroom congestion at mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Dagdag pa, inaasahang ang mga bagong silid-aralan ay magbibigay ng mas komportableng kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kabataang Dagupeño.

Binigyang-diin sa pagtitipon na mananatiling prayoridad ang edukasyon at patuloy na isusulong ang mga programang makatutulong sa pagpapalakas ng sektor ng pagkatuto sa lungsod.

Facebook Comments