LUNGSOD NG DAGUPAN, TINIYAK NA HINDI MAGIGING DAHILAN NG PAGTAAS NG KASO NG COVID-19 ANG PAGBABALIK BIYAHE NG MGA BUS COMPANIES

Tiniyak ng Lokal na pamahalaan ng Dagupan na hindi aakyat ang kaso ng COVID-19 oras na mag-umpisa na pag-arangkada ng mga bus companies sa pagbiyahe.

Matatandaan noong unang araw ng Hunyo ngayong taon ay Pinayagan ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang pagbabalik operasyon ng mga bus companies sa lungsod ng Dagupan para sa kanilang biyahe sa Maynila.

Ayon kay Vladimir Mata, ang City Administrator ng Dagupan, sinabi nito na base sa napagkasunduan sa pagitan ng mga kawani ng LGU Dagupan City at ng mga bus companies na kinabibilangan ng Pangasinan Solid North Transit, Five Star Bus Company at Victory Liner Inc. sa lungsod, ay dapat striktong maipatupad ang mga health and safety protocols para hindi umakyat ang kaso ng COVID-19 cases sa lungsod.


Bukod dito, ipapatupad din umano ang pagkakabit ng mga plastic barriers sa bawat upuan ng mga bus na babiyahe upang istriktong obserbahan ang social distancing.

Mananatili pa rin umano sa 50% capacity ang magiging pasahero sa mga bus at istrikto din ipapatupad ang pagtatala ng bawat pagkakakilanlan ng mga pasaherong sasakay para sa mas mabilis na contact tracing sakaling may nakasalamuhang positibo sa sakit.

Facebook Comments