Cauayan City, Isabela- Bumaba na sa “Low” ang epidemic risk classification ng Santiago City mula sa ‘moderate’ na classification dahil bumaba na ang average daily attack rate nito.
Ito ang ulat sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH Region 2 sa pamamagitan ni Dr. Nica Taloma.
Matatandaan na dalawang linggo na ang nakakalipas nang mailagay na rin sa low status ang City of Ilagan.
Kaugnay nito, nasa moderate status pa rin ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino kabilang ang Tuguegarao City and Cauayan City, mas mababa kumpara sa dati nitong status na ‘critical’ sa nakalipas na buwan.
Nananatii namang nasa ‘minimal’ classification ang lalawigan ng Batanes dahil wala na itong aktibong kaso ng COVID-19.
Facebook Comments