Lungsod ng Ilagan, Pinakamarami sa may Naitalang New COVID-19 Cases Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Nangunguna ang Lungsod ng Ilagan sa may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng COVID-19 na naitala sa buong Lalawigan ng Isabela ngayong araw ng Miyerkules, Abril 7, 2021.

Sa datos mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), 104 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw habang 101 ang bagong gumaling.

Mula sa new covid-19 cases, 58 ang naitala na panibagong kaso sa Lungsod ng Ilagang; 20 sa Santiago City; apat (4) sa bayan ng Echague; tig-tatatlo (3) sa mga bayan ng Cordon, Jones, San Mateo at Cauayan City; tig-dadalawa (2) sa mga bayan ng Mallig, Roxas, San Isidro at tig-iisa (1) sa Aurora, Ramon, San Manuel, Tumauini.


Sa kalukuyan, sumipa sa 1,436 ang bilang ng aktibong kaso sa probinsya na nagdadala sa kabuuang bilang ng positibong kaso sa 8,393.

Sa total confirmed cases ng Isabela, 167 na rito ang namatay.

Facebook Comments