Lungsod ng Makati, may 20 bagong kaso ng COVID-19

Nadagdagan na naman ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati ngayong araw.

Batay sa tala ng Makati Health Department (MHD), nasa 10,658 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, matapos makapagtalaa ito ng 20 bagong kaso ng naturang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Tumaas din sa 10,059 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa naturang sakit matapos din magkaroon 17 new recoveries ang lungsod.


Dalawang araw nang napako sa 391 ang bilang ng nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Habang ang bilang naman ng active cases nabawasan ng tatlo mula sa 208 kahapon, ngayong araw nasa 205 na ito.

Base sa ulat ng MHD, may talong barangay sa Makati ang may inakamaraming active cases, ito aay ang Barangay Pembo na may 25, 21 sa Barangay Rizal, at 17 sa Barangay Poblacion.

Facebook Comments