Nagdagdagan naman ng apat na kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang lungsod ng Makati.
Ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Health Office ng nasabing lungsod pasado alas-9:00 kagabi.
Kaya naman, meron ng kabuuang bilang ng 170 na kaso ng COVID-19 ang lungsod, mula sa 166 noong Sabado.
Nananatili naman sa 18 na pasyente ang nasawi na dulot ng virus, pero tumaas naman ang mga gumaling nito na nasa 23 na, mula sa 19 na bilang noon April 11.
Sa ngayon, ang bilang ng mga suspected cases sa Makati City ay nasa 496 at 302 naman ang kabilang sa probable cases ng nasabing virus.
Ang Barangay Poblacion pa rin ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 kung saan nasa 21 na ito.
Sumunod naman ang San Lorenzo na may 16 na COVID-19 positive at sinundan ito ng San Antonio na may 11 pasyente na infected ng nasabing virus.
Tig-10 naman na pasyente ng COVID-19 ang barangay ng Bel Air at Pio Del Pilar.