Kinumpiram ni Dr. Alex Sta. Maria, hepe ng Mandaluyong City Health Office na dumating sa lungsod ang karangdagang dose ng Sinovac vaccine.
Ayon kay Sta. Maria, nasa 37,000 doses ng Sinovac ang ibinigay ng nasyonal na pamahalaan sa lungsod.
Ito ay gagamitin aniya para sa mga tuturukan ng second dose ng nasabing brand ng bakuna laban sa COVID-19.
Nabatid na nakatangap ng 41,000 dose ng AstraZeneca ang lungsod nitong nakaraang araw para naman magbigay ng first dose ng bakuna.
Samantala, pumalo na sa 337,735 ang mga nabakunahan na sa lungsod laban sa COVID-19, kung saan 219,921 nito ay nabigyan na ng first dose at 1117,814 naman ang kumpleto na ng bakuna.
Facebook Comments