Muling pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga residente nito matapos na makapagtala ng higit 20 karagdagang kaso ng COVID-19.
Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 25 na ang nadagdag sa bilang ng tinamaan ng COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay nasa 220.
Base pa sa datos, ang Sampaloc area ang may naitatalang mataas na bilang na nasa 43 na sinundan ng area ng Malate kaya’t patuloy na mino-monitor ng MHD ang mga pasyente rito.
Nakapagtala rin ng tig-23 na kaso sa Sta. Mesa at Sta. Ana kung saan tig-22 na rin ang tinamaan ng nasabing sakit sa Tondo-1 at Tondo-2.
Nananatili naman sa 1,952 ang bilang ng nasawi at umaabot sa 116,289 ang nakakarekober habang nasa 118,461 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19.