Karagdagang 28 na positibong kaso ng Coronavirus disease o COVID-19 ang naitala sa lungsod ng Maynila.
Dahil dito, umaabot na sa 547 na mga residente ng Maynila ang nag-positibo sa COVID-19.
Bas din sa tala ng Manila Health Department, nasa 764 ang itinuturing na ‘Suspect’ at wala namang residente ng lungsod ang itinuturing na ‘Probable’.
Nasa 63 ang nakarekober habang 58 naman ang binawian ng buhay.
Pinakamarami pa din naitalang kaso ng COVID-19 ay sa Sampaloc district na kasalukuyang naka-hard lockdown kung saan nasa 110 anh bilang habang 166 ang suspected cases.
Samantala, as of 11:30 kagabi, nasa 17 indibidwal ang hinuli ng Sampaloc Police Station matapos na lumabag sa quarantine protocols at sa ipinatuoad na lockdown na nagsimula alas-8:00 kagabi at magtatapos ng alas-8:00 din ng gabi sabado, april 25, 2020.