Taguig City, may 4 na bagong confirmed cases ng COVID-19

Nakapagtala muli ng apat na bagong kaso ng Coronavirus ang lungsod ng Taguig.

Batay sa tala ng health Office ng Lungsod, ang mga bagong pasyente sa COVID-19 ay mula sa Barangay, Calzada, North Daang Hari, Fort Bonifacio at Central Bicutan.

Sa kabuuan, umabot na ang bilang ng confirmed cases sa Taguig ng 203, 15 na ang nasawi at 24 na ang mga nakarekober.


Umabot na rin ang kabuuan ng suspected cases sa 1,129 simula January 27 hanggang April 23, 2020.

Tiniyak naman ng Taguig City government na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente nito laban sa banta ng COVID-19.

Kaya naman patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams katuwang ang Taguig City Containment Team upang ma-monitor at mapigilan  ang pagkalat ng virus sa lungsod.

Facebook Comments