Nakapasa sa kauna-unahang pagkakataon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ‘Good Financial Housekeeping Standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa loob ng sampung taon, ito ang unang pagkilalang natanggap ng Maynila mula nang simulan ng DILG ang pag-assess sa financial housekeeping reports ng mga Local Government Unit (LGU) sa bansa.
Malugod na tinanggap ng alkade ng lungsod na si Isko Moreno ang pagkilala mula sa nasabing ahensya at sinabing patunay lamang ito ng pagiging financially transparent ng lungsod.
Nauna nang sinabi ni Moreno na hindi niya papayagang ang “dismal performance” sa ilalim ng kanyang administrasyon at tiniyak na iingatan ang pondo para sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa kanyang mga nasasakupan.