Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na meron silang 170 milyong pisong na paunang pondo para pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, ang sanggunian panglungsod ay magsasagawa palang ng hearing upang bumuo ng panuntunan sa pagbili ng bakuna.
Iginiit din ng alkalde na priority ng lungsod na mabigyan ng bakuna ang ay mga frontliner nito, tulad ng mga manggagawa sa pangkalusugan at Philippine National Police (PNP).
Kabilang na rin aniya rito ang iba pang katuwang ng lungsod sa paglaban kontra COVID-19.
Pero nilinaw rin niya na lahat ng mga taga-Muntinlupa ang mabibigyan ng libreng bakuna laban sa virus.
Makikipag-ugnayan din aniya sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Deparment of Health (DOH) sa pagbili ng COVID-19 vaccine.