Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na isa ang kaniyang lungsod na magiging pambato ng Pilipinas para sa World Wildlife Fund’s o WWF We Love Cities Campaign.
Ayon kay Fresnedi, ito ay isang patimpalak na kinalalahukan ng ilang lungsod sa buong mundo.
Aniya, ang layunin ng patimpalak ay layunin na makapagbigay ng kamalayan sa mga residente ng lungsod kaugnay sa pagpapanatili ng mga magagandang programa ng isang lungsod.
Ikinatuwa naman ni Fresnedi na kinikilala ng WWF ang mga hakbang nito kaugnay sa “urban heat island effect” tulad ng gardening initiatives, first aid training, agriculture training for urban farmers, aquaponics, vertical farming, mulching and mushroom culture.
Kalahok din dito ang Batangas City, Batangas at Santa Rosa, Laguna at ang 58 cities mula sa 27 mga bansa sa buong mundo.
Para makaboto, bisitahin laman ang officail social media account ng Muntinlupa LGU o di kaya ay bisitahin ang webiste na www.welovecities.org/muntinlupa.