Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang mga paaralan para silipin ang kahandaan sa posibilidad ng pagbabalik ng face-to-face classes.
Ang hakbang ay kasunod na rin ng nasimulang bakunahan sa mga menor de edad at pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ilan sa mga unang binisita ni Mayor Toby Tiangco ang Dagat-dagatan Elementary School.
Nilinaw naman ng alkalde na wala pang guidelines sa pagbabalik ng pisikal na klase.
Pero base sa makikitang set up ng mga paaralan para sa face-to-face classes, limitado na lamang ang bilang ng mag-aaral.
Dito ay magkakalayo na ang upuan at mesa na may clear acrylic shield, may nakahanda ring kanya-kanyang face shield at mayroong hand sanitizer o alcohol dispenser sa pinto ng bawat classroom.
Facebook Comments