Nagpadala na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa Marikina para mai-rescue ang mga na-trap na residente dahil sa Bagyong Ulysses.
Ipinadala ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang kanilang rescue team mula sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng lungsod.
Dala ng rescue team ang isang rescue boat at utility trucks para makatulong sa rescue mission sa mga residente ng Marikina.
Sa ngayon ay ongoing ang rescue dahil marami pa sa mga residente ng Marikina ang hindi pa naililigtas matapos ang biglang pagtaas ng baha sa kanilang lugar.
Samantala, naghandog naman ng libreng sakay sa mga taga-Navotas ang lokal na pamahalaan na kasalukuyang umiikot ngayon sa Tangos North at South hanggang sa C4 at C3.
Facebook Comments